Dapat ay may ibang tao na nabibigay ng pagkain at kumukuha ng bayad para hindi mapunta ang mga dumi at mikrobyo na galing sa pera sa mga pagkaing ibinebenta.
Dapat rin ay laging naghuhugas ng kamay ang mga tindero at tindera. Ang mga nagluluto at naghahanda ng mga binebenta ay dapat walang kahit ano mang suot sa kamay dahil may posibilidad itong mahulog sa pagkain. Dapat rin na walang naninigarilyo malapit sa mga pagkain dahil nasasakop nito ang usok na dala ng sigarilyo.
Pagkaluto ng mga pagkain ay dapat na mayroong malinis na taguan, hindi yung nakabilad ito sa araw. Kung maaari ay bumili ng lang sila ng pinakamurang mantika para hindi ito paulit-ulit na ginagamit.
Tunay nga na napakaimportante ng kalinisan sa katawan ng nagbebenta dahil maaari tayong makakuha ng sakit sa kanila. Nararapat lang na bigyang pansin ito ng mga nagbebenta para sa ikabubuti ng lahat.
0 comments:
Post a Comment